Purong Tagalog
Napaka malas ng biyernes sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng araw tuwing biyernes lagi itinatapat na sirain ang araw ko. Pwede namang lunes, o kaya martes o kaya kahit anong araw bakit pa biyernes.
Katulad nito:
Tuwing biyernes kadalasang nagpupunta ang walang kasing ganid na taong nakilala ko noong lumipas na dalawang buwan. Siyempre kapwa Pilipino kaya hindi mo pang hihinalaan ng kahit anong ugaling ikasusumpa mo. Kaso, wala pa din pala kahit sabihing "executive" ka pa ng isa sa mga pinaka malaking kumpanya dito sa Pilipinas, kung hayop ka, hayop ka talaga, wala kang magagawa kahit anong linis at tuwid ng suot mo, kahit anong gawin mong suklay sa buhok mo, kahit ilang beses ka pang maligo sa isang araw, kahit gano kadaming pabango ang ibabad mo sa katawan mo, kung hayop ka, hayop ka talaga.
Wala kang kasing sama. Grabe. Pag nakaharap ka sa mga taong pakiramdam mo na ka lebel mo, halos ipagmalaki mong isa kang propesyonal at sibil kang makipagusap at marunong kang makibagay sa lahat ng uri ng tao, pero pag talikod aba mas masahol ka pa sa kung sinong akala mong aso ang kinakausap mo. Kinunan mo pa siya ng litrato para lang ipang kolateral sa hinahabol mong pera. Pinagmuka mo siyang kriminal hinatulan mo na agad wala ka pa namang napapatunayan. At hindi ka pa nakuntento pati cellphone nya kinuha mo. Kala ko ba executive ka? kala ko ba professional ka? Kala ko ba binabayaran ka ng limang libo kada oras sa trabaho mo? Eh bakit wala ka manlang maipalit sa 3210 mong cellphone na pati battery sira pa? Pati casing manlang sana naisip mong palitan kahit yung tig bebente lang diba. Para ano pang sabihin mong may puso ka at lahat ng bagay ay mabibigyan mo ng pagkakataon.
Wala nakong masabi kasi nasayo na lahat eh. Tutal babalik naman sayo lahat ng ginagawa mo. Pati ako, pati ibang tao diba. Umiikot naman ang mundo.
Masama talaga pag madaming pera. Tsk. Tsk.
June 22, 2007
spits by jazMine
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 was hit!:
Post a Comment